Ang Karanasan

Unang araw sa paaralan, kami ay puno ng kagalakan at kasiyahan sapagkat sa dalawang buwang bakasyon kami ay
 nasasabik sa mga panibagong kaalaman,hamon at mga taong makikilala pa.
Sa unang pagpasok sa aming silid-aralan, kami'y nakaramdam ng kaba at kasabikan. May mga bagong mukha nanamang makikilala at magiging kaibigan. Kitang kita sa kanilang magiliw na mukha ang lubos ring kasabikan. Nagpasimula na ang oryentasyon at nagsimula ng magpakilala isa-isa kasabay ng pagpapakilala ng aming napakagandang guro na si cher Jc Mancera.Sumunod ding nagpakilala ang iba pa naming mga guro ,na nakikita naming magtuturo ng mga bagong kaalaman at kabutihan sa amin.

Sa mga sumunod na araw ng aming pagpasok sa paaralan, hindi parin maikakaila ang pagkailang sa isa't-isa. Sa kasalukuyang klase kami ay nagtutulungan sa lahat ng mga aktibidad at sa mga programa sa paaralan.

Makalipas ang ilang mga araw, unti unti kaming nakakaramdam ng kahirapan sa aming mga aktibidad at mga tuntunin. Gayon pa man, kami ay nagsusumikap 
upang makayanan mapagtagumpayan ang mga hamon na aming kinakaharap at kakaharapin pa bilang isang estudyante o mag-aaral.

Dumating na nga ang isa sa aming pinakaaabangang  at ito ay ang pananaliksik  kung saan masusubok ang aming kritikal at malawakang pag-iisip sa pagsasagawa ng kanya-kanya naming mga pamagat para sa pananaliksik na papel.

Kami ay nananatiling handa sa mga ano mang darating pang mga hamon sa aming pag-aaral at sana ang taon naito ay maging maayos at maganda ang kalalabasan at nawa'y kami ay makapagtapos Ng pag-aaral.GODDLUCK AMECIAN!!!!

Unang Pangkat
Gatan Princess Erica S.
Malapit, Stefanie
Pagulayan,Jamaica 
Balla, Alleuelson P.
Guiyab, Joshua
Managuelod,Paolo
Dacquil,Sonny