Ang Karanasan
Unang araw sa paaralan, kami ay puno ng kagalakan at kasiyahan sapagkat sa dalawang buwang bakasyon kami ay nasasabik sa mga panibagong kaalaman,hamon at mga taong makikilala pa. Sa unang pagpasok sa aming silid-aralan, kami'y nakaramdam ng kaba at kasabikan. May mga bagong mukha nanamang makikilala at magiging kaibigan. Kitang kita sa kanilang magiliw na mukha ang lubos ring kasabikan. Nagpasimula na ang oryentasyon at nagsimula ng magpakilala isa-isa kasabay ng pagpapakilala ng aming napakagandang guro na si cher Jc Mancera.Sumunod ding nagpakilala ang iba pa naming mga guro ,na nakikita naming magtuturo ng mga bagong kaalaman at kabutihan sa amin. Sa mga sumunod na araw ng aming pagpasok sa paaralan, hindi parin maikakaila ang pagkailang sa isa't-isa. Sa kasalukuyang klase kami ay nagtutulungan sa lahat ng mga aktibidad at sa mga programa sa paaralan. Makalipas ang ilang mga araw, unti unti kaming nakakaramdam ng kahirapan sa aming mga ak...